Basta nandito ako para sa’yo.
Yung araw na ‘to ay hindi gaanong maganda para sa dalawa sa mga kaibigan ko. Bad news e. Pareho pa silang umiyak. Isang bad news e school-related tapos yung isa naman usapang pag-ibig.
Nung makita ko na nalulungkot talaga sila, pakiramdam ko wala akong magawa para sa kanila bilang kaibigan. Anong sasabihin ko? Hindi ko pa naranasan yung naranasan nila. Tingin ko naman wala akong maibibigay na matinong advice. Kaya madalas tahimik lang ako. Alam mo yung feeling na ang bigat ng atmosphere ng barkada? Hindi ka yung makangiti ng maayos kasi alam mong masama yung loob ng iba.
Pero napagisip-isip ko rin, hindi naman talaga sa salita nadadaan ang concern at care sa tao, lalo na at kaibigan. Basta kung kailangan ka niya, siguradong mailalaan mo yung oras mo sa kanya. Hindi yung puro salita tas hindi naman sincere sa pagsabi nun sa kanya, lalo na at hindi ka miserable/malungkot gaya niya.
Kaya ganun na lang ginawa ko. Hinayaan ko muna sila na magreflect (reflect talaga?) at magisip-isip. Shut up lang ako sa tabi. At nung medyo okay na saka lang ako humirit.
Ayos ba? :D Kaya niyo yan guys!
